Advertisers

Advertisers

Labi ni Echanis, ibinalik na sa pamilya; ‘di na ineksamin ng NBI

0 302

Advertisers

INILABAS na ang katawan ni Anakpawis chairperson Randy Echanis Miyerkules ng gabi matapos ulit kunin ng Quezon City Police ang pinaslang na peace consultant at peasant leader.
Ni-release mula sa Pink Petals Memorial Homes sa Quezon City ang katawan 8:00 ng gabi matapos itawag ng QCPD sa punerarya na nagpositibo ang cross-match at pinayagang ibalik ito sa pamilya niya, ayon kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.
Hindi na sumama ang mga kaanak sa pagkuha sa katawan ni Echanis at tanging sila Brosas, dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao, legal counsel na si Luz Perez, at iba pa ang sumama.
Sa isang convoy, tumulak sila papunta ng Philippine General Hospital kungsaan inaasahan gagawin ang otopsiya sa katawan ni Echanis.
Iginiit ng Philippine National Police kamakailan na hindi nila ma-release nang basta-basta ang bangkay dahil kailangan daw magpakita ng mga kaukulang dokumento ang pamilya na magpapatunay sa pagkakakilanlan ni Echanis, matapos itong madiskubreng pinatay sa sariling tahanan sa Quezon City.
May nakuha kasing ID sa crime scene kungsaan Manuel Santiago ang nakalagay na pangalan nito.
Ayon sa QCPD, maaari daw kasing may ibang pamilya na mag-claim sa bangkay ni “Manuel Santiago.
“Nauna nang sinabi ng kampo ni Echanis na nagpasa na sila ng mga patunay Martes ng hapon.
Samantala, hindi na isasailalim ng examination ng National Bureau of Investigation (NBI)ang bangkay ni Randy Echanis.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos aminin ng Quezon City Police na si Echanis nga ang napatay matapos mapatunayang si Echanis at Manuel Santiago ay iisa sa pamamagitan ng fingerprint.
Matatandaan na bumuo ng special task force ang DOJ matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na dinala sa PGH ang bangkay ni Echanis para sa C-ray at awtopsiya bago i-turn over sa kanyang pamilya.
Sa kabila nito magpapatuloy parin ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Echanis. (Ernie dela Cruz/Jocelyn Domenden)