Advertisers
TIWALA si Senador Panfilo Ping Lacson na sapat na ang mga lumutang na impormasyon at mga ebidensiya sa dalawang senate inquiry para sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation.
Ayon kay Lacson lumabas sa unang dalawang pagdinig sa Senado ang mga iregularidad sa loob ng ahensiya.
Hindi na lamang umano ‘whiff’ of corruption kundi umaalingasaw na ang katiwalian sa Philhealth.
Subalit marahil ay hinihintay umano ng Pangulo ang findings ng binuo nitong taskforce para gumawa ng aksiyon.
Binigyan-diin ni Lacson na tanging ang punong ehekutibo lamang ang may kapangyarihan para sibakin at linisin ang Philhealth at ang tanging magagawa lamang nila ngayon ay imbestigahan at magpasa ng rekomendayon sa pangulo. (Mylene Alfonso)