Advertisers

Advertisers

Bakit ayaw pang sipain ni PRRD mga buwaya sa PhilHealth?

0 321

Advertisers

TAYO’Y nagtataka, nag-iisip at nahihiwagaan kung bakit di parin sinisipa ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte (PRRD) ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa P15-BILLION anomaly sa ahensiya.

Ano pang bang ebidensiya ang hinihintay ni PRRD? Sa nakaraang dalawang Senate inquiry ay malinaw pa sa sikat ng araw ang mga detalye ng katiwalian sa state-run insurance firm.

Kailangan pa bang magrali, maghuramentado at pasukin ng mga miembro ng PhilHealth ang gusali ng ahensiya para hilahin pababa ang mga buwayang opisyal dito?



Si PRRD ay may kapangyarihan magtalaga at magtanggal ng mga opisyal sa gobyerno. Actually, karamihan sa mga sangkot sa nabulgar na anomalya ay mga appointee niya. Ibig sabihin, isang salita nya lang ng “You’re fired!” di na sila makapapasok kinabukasan. Mismo!

Ano pa ba ang kailangang patunay ni PRRD? Dahil ba mga kababayan nya ang mga namumuno sa “mafia” sa PhilHealth?

Aba’y hindi pa naman siguro ganun kaulyanin si PRRD at 75 para makalimutan ang paulit-ulit niyang ipinangangalandakan noon na: “My God, I hate corruption!”. Na makarinig lang siya ng kahit alingasngas ng katiwalian ora mismo ay kaagad niya itong sisibakin. Anyare? Joke lang ba iyon?

Sa Senate inquiry, ibinuking ni Senador Ping Lacson na simula 2013 ay umabot na sa P145 BILLION ang nadambong sa kaban ng PhilHealth. Ang matinding sikwatan ay nangyari two years ago lang!

Ayon sa whistleblower na si Atty. Thorsson Montes Kieth, ang nagbitiw na legal investigator ng PhilHealth dahil hindi na raw kaya ng konsensiya niya ang pandemya ng katiwalian sa loob ng ahensiya, P15-B ang natuklasan niyang kinulimbat ng mga bumubuo ng Executive Committee (Execom) ng Philhealth.



Nabunyag din sa Senate inquiry ang pagrelis ng PhilHealth ng milyones sa isang dialysis center (B-Braun) sa Tondo na bugos, di rehistrado sa SEC; at pagbigay ng milyon milyong pondo sa maliliit na ospital sa Mindanao na wala namang covid patient.

Sabi ni Lacson, matitigil lamang ang pandemya ng korapsyon sa PhilHealth kung mabunot ang ugat ng mafia rito.

Dapat tanggalin ni PRRD ang lahat ng opisyal pati mga kasabwat nila sa ibaba para tuluyang malinis sa mga buwaya ang PhilHealth.

Ang PhilHealth ay tumatanggap ng P71 billion subsidy (taxpayers money ito) sa gobyerno, maliban pa sa kontribusyon ng 82 milyong miyembro.

Kaya mga pare’t mare hindi tayo dapat manahimik sa isyuong ito ng katiwalian sa PhilHealth. Pera natin ang ninanakaw nila. Ang lalaki na nga ng mga suweldo at benepisyo nila, nanakawan pa tayo. Putang ina!!!

Kung paano kayo makatutulong para malinis ang PhilHealth, mag-ingay kayo sa social media. Manawagan kay Duterte na baklasin niya lahat ng tiwali sa PhilHealth. Kasuhan niya at ipakulong, tulad ng pramis niya sa atin noong nangangampanya siyang presidente. Mismo!

After ng PhilHealth, dapat isunod ng Kongreso ang pag-imbestiga sa katiwalian sa SAP ng DSWD, tapos ang SSS, gayundin ang GSIS at AFPSLAI, mga state-run insurance firm na may pandemya ng korapsyon!

Gising, bayan!!!