Advertisers

Advertisers

1K jeepneys puede nang bumiyahe pag bumalik sa GCQ – LTFRB

0 243

Advertisers

Pinayagan ng LTFRB ang karagdang 968 na lumang dyip na muling makabiyahe sa 15 ruta sa National Capital Region (NCR) sa oras na maibalik na ito sa General Community Quarantine (GCQ) sa Agosto 19.
Ito ang inanunsiyo ng LTFRB sa isang post sa kanilang Facebook account.
Matatandaan na unang plinano ito ng LTFRB ngunit naantala ito ng humiling ng time out ang mga health workers at ibaba ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR at karatig- lalawigan.
Base sa ipinalabas na guidelines, papayagan lamang muling makabiyahe ang mga traditional jeepney na nakakuha ng special permit o QR code.
Kailangan ding sinusunod ang COVID-19 safety health measures gaya ng pagkuha ng body temperature sa mga commuters, palagiang pagsuot ng face mask at social distancing. (Josephine Patricio)