Advertisers

Advertisers

Thea may bagong baby; Arra seryoso sa baking

0 313

Advertisers

SA recent Kapuso Brigade ZOOMustahan, naikuwento ni Arra San Agustin na naging busy siya sa pagbe-bake ngayong naka-quarantine kaya naisipan niyang mag-enroll sa isang baking school.

Aniya, “Ang dami kong gusto i-try pero since I’m confined at home, isa na siguro dun ang baking. I love baking now. I fell in love with it. Nag-enroll din ako sa baking school and it will run for 24 days on a weekend.”

Dagdag ng ‘Taste MNL’ host, plano rin niya ang magtayo ng isang food business kapag natapos na niya ang kinuhang kurso, “Pagkatapos ng class ko, ‘pag naging chef na ako, gusto ko muna siya i-practice. Then after that, I’ll probably start with online kasi ‘yun ‘yung easiest way to get into business. Of course, gusto ko magkaroon ng sarili kong cafe and bakery.



***

ISA nang ganap na cat mom ang Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos siyang mag-adopt ng pusa mula sa dating Sexbomb Dancer na si Jacky Rivas.

Pinangalanan niyang Blair ang kanyang baby kitten at agad niya itong pinakilala sa fans at netizens sa kanyang Instagram post, “Thank you ng marami sa inyo Ate @jacky.rivas for letting me have Blair and amore @genvallacer dahil ikaw ang unang nakahanap sa kanila. First pet ko si Blair at nagkataon na today is International Cat Day!”

Nakatanggap din si Thea ng ilang tips mula sa kanyang followers kung paano maaalagaan nang mabuti ang bago niyang baby.

***



SANYA LOPEZ HAPPY SA SIMPLE BIRTHDAY CELEBRATION

Ipinagdiwang ng Kapuso star na si Sanya Lopez ang kanyang ika-24 na kaarawan kasama ang pamilya. Simple ngunit masaya ang naging celebration ng aktres kahit nasa bahay lang.

“My wish on my birthday is for everybody to be safe all the time,” ang simple ngunit makabuluhang wish ng aktres.

Inulan din siya ng well wishes mula sa mga kaibigan sa showbiz, kabilang na ang kanyang “bida-bida sib” na si Jak Roberto, Lovi Poe, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Kate Valdez, Max Collins, at marami pang iba.

Samantala, napapanood pa rin si Sanya bilang si Danaya sa rerun ng 2016 primetime series na ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad. Happy birthday, Sanya! (Rommel Gonzales)