Advertisers
PANSAMANTALANG isinara simula kahapon Agosto 12 ang dalawang pangunahing sports facilities matapos magpositibo sa coronavirus ang ilang staff nito.
Sa inilabas na circular ng Philippine Sports Commission, isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORT Complex sa Pasig City.
Ayon kay PSC Chairman William Ramirez, bahagi ng health protocols ang nasabing pagpapasara.
Hindi naman nito binanggit kung hanggang kailan isasagawa ang pagpapasara ng 2 pasilidad.
Ang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila ay administrative office ng PSC at tirahan ng mga national athletes habang ang PHILSPORTS Complex ay doon makikita ang opisina ng PSC, Philippine Olympic Committee at ilang national sports associations.