Advertisers

Advertisers

Nicolle Ulang makikipagsapalaran sa showbiz para makatulong sa pamilya

0 1,048

Advertisers

ANG newcomer na si Nicolle Ulang ay desididong matupad ang mga pangarap niya sa buhay sa pamamagitan ng pagsabak sa mundo ng showbiz.

Pangunahing hangad niya ay makatulong sa kanyang pamilya kaya handa siyang magsakripisyo para sa kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng showbiz.



“Handa po akong magsakripisyo para sa pamilya ko, na maipakita ko sa kanila na kaya kong tuparin ang mga pangarap ko sa buhay. Para maging proud sila sa akin, lalo na po ang parents ko, kasi mahal na mahal ko po sila,” panimula ni Nicolle.

Si Nicole ay 17 years old at napabilang sa Top 25 ng Artista Teen Quest ng SMAC TV Production. Siya ay nakalabas na sa TV show na Tanikala ng GMA-7.

Kabilang sa talents ni Nicolle ang singing, dancing, acting, modeling, at playing musical instruments.

Ayon pa sa newcomer, bata pa lang ay hilig na raw talaga niya ang umarte.

“Hilig ko na po talaga ang mag-artista kahit po noong bata pa lang ako, sabi ko po sa sarili ko na tutuparin ko yung pangarap ko hanggang sa paglaki ko. Gusto ko rin po kasing magpasaya ng mga tao at makatulong.”



Sina Angel Locsin, Vice Ganda, at Tonz Are ang mga hinahangaan niyang personalidad sa showbiz.

Thankful din si Nicolle sa award-winning indie actor na si Tonz Are na tumatayong mentor, acting coach, at manager niya.

“Tinupad po ng aking Dada Tonz-na isa sa acting coach ko and tumutulong sa akin until now, na siya ang nagpapalakas ng loob ko. Lagi niyang sinasabi na kaya ko na, ‘Sayang may talent ka.’

“Very supportive po si Dada Tonz sa akin, kasi noong SMAC TV pa lang from Binangonan, talagang sinamahan niya ako hanggang sa matapos ang event,” esplika niya.

Pahabol pa ni Nicolle, “Nagpapasalamat din po ako kasi nakapasok ako sa Daydreamer Production na pangalawang pamilya ko na rin.

“Sa parents ko po, ipapakita ko sa inyo na magsisikap ako para matupad ang mga pangarap ko, para maging proud kayo sa akin and matulungan ko po kayo at ang mga kapatid ko.” (Nonie V. Nicasio)