Advertisers
TINAPATAN ni Damian Lillard ang kanyang career-high na 61 points, upang tulungan ang Portland Trail Blazers na ipinta ang napakahalaga na 134- 131 tagumpay laban sa mabangis na Dallas Mavericks sa kanilang seventh game ng NBA restart, kahapon sa Orlando.
Nagawa ni Lillard ang 17 sa kanyang 32 attempts, kabilang ang nine three-pointers, eight assists para sa Blazers na umangat sa 5-2 win-loss card sa loob ng bubles.
Dahil sa tagumpay, umakyat ang Portland sa No.8 spot sa Western Conference, at isang laro na lang ang nalalabi sa kanilang iskedyol.
Memphis na yumuko sa Boston, ay nalaglag sa ninth seed, habang ang Phoenix na wala pa ring talo sa NBA restart, ay sa No. 10, at ang San Antonio ay sa No.11, lahat ng apat na team ay may tig-isang seeding game na nala-labi.
Si Carmelo Anthony na next-leading scorer ng Portland ay umiskor ng 26 points, eight rebounds, two assists, at two steals.
Kahit na talo, ang Dallas ay tiyak na sa seventh seed sa Western Conference.
Si Porzingis kumamada ng 36 points upang pamunuan ang opensa ng Mavericks, habang si Doncic nagtapos ng 25 points, 10 assist at eight rebounds. Si Tim Hardaway Jr. may 24 points.
Ang susunod na makakaharap ng Blazers ay ang Nets sa Biyernes, habang ang Mavericks makakasagupa ang Suns.