Advertisers
Silipin ang kinita ng mga pribadong ospital magmula ng sumipa ang pandemic dito sa ating bansa.
Totoo bang milyon-milyong piso ang binayaran ng bawat pasyenteng gumaling mula sa covid-19 sa mga sikat na ospital na ito?
May mga pasyente pa nga raw na umabot 10-M ang bill on the average, 4-5M kada pasyenteng gumaling ang total bill na siningil ng mga ospital na ito from April-July of this year.
Imagine kung gaano karaming pasyante ang nagpa-confine sa mga ospital na ito nang magkaroon ng pandemya.
Magbayad naman kaya ng tamang buwis ang mga ospital na ito sa gobyerno? Paging BIR! Patunay lamang na kung nagsasakripisyo man ang mga doktor, nurses at iba pang health workers natin ngayon, malaking KUWARTA naman ang ipinasok nito sa mga private hospitals na binaha ng mga paying patients.
Kung makadaing ang Philippine College of Physicians, parang walang ginagawang mabuti ang gobyerno.
Sila ngang mga doktor ang nakinabang ng malaki sa pandemyang ito.
Mga ipokrito KAYO! Ang mga totoong nakakaawa ay yaong mga kababayan nating mahihirap na di man direktang nagka-covid-19 ay patuloy na nagdurusa naman dahil nawalan ng trabaho at nagtitiis ng gutom dahil sa pandemya.
Isa pang bagay na nais nating talakayin ay ang tungkol sa isyu ng Philippine College of Physicians (PCP) na inuugnay sa hanay ng oposisyon at mga negosyanteng binansagang oligarko ng Pangulong Duterte.
Kahit pa nga sabihin pang lehitimo ang kanilang hinaing, nalambungan ng duda at maraming katanungan ang kanilang naging hakbang.
Ilan pa sa grupong sinasabing nasa kategorya ng mga kritiko ng gobyero ay ang simbahan at mga unibersidad at mga paaralang pag- aari ng mga kaparian.
Ang mga estudyante ng mga paaralang ito ang nangunguna sa mga ginagawang kilos-protesta laban sa gobyerno.
Obvious ang rason ng simbahan sa disgusto ng mga ito sa administrasyong Duterte na nakasilip sa di tamang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan ng mga negosyo at mga ari-ariang pag-aari ng simbahang Katoliko.
Minsan talaga, ang pagsasaayos ng mali tungo sa tama ay masalimuot at may kabayaran o katapat ng sakripisyo.
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com