Advertisers

Advertisers

Magkaibigan naghanap ng celfone signal sa bubong, patay sa live wire

0 252

Advertisers

NAGKIKISAY hanggang sa mamatay ang magkaibigan nang makuryente sa bubong ng bahay dahil sa paghahanap ng signal ng cellphone sa Iloilo City.
Kinilala ang mga namatay na sina James Karl Zarragosa, 18; at Arjun Selecia, 27, kapwa ng Barangay Bagumbayan, San Joaquin, Iloilo City.
Sa report, naganap ang insidente nitong Miyerkules ng umaga sa pinagtatrabahuhan ng dalawa na ihawan ng manok sa Brgy. Nabitasan, Leganes.
Ayon sa ulat, may ka-video call na Pinay sa bansang Bahrain si Zarragosa, subali’t nawawala ang kanilang pag-uusap dahil mahina ang signal. Nagpasya itong umakyat sa bubong ng bahay at sinamahan siya ni Selecia, kasama ng isa pa kinilalang Angelo.
Hindi napansin ni Zarragosa na ang naapakan niya ay takip ng transformer dahilan para siya makuryente.
Nakita ni Selecia ang kaibigan nito na nagkikisay kaya hinila niya ito pero maging siya ay nakuryente rin.
Humingi naman ng tulong si Angelo sa mga awtoridad at hindi na niya hinawakan pa ang dalawa dahil nangingitim na ang mga ito.
Isinugod pa sa ospital ang dalawa pero wala nang buhay.(PTF team)