Advertisers

Advertisers

Kris naiyak nang muling mapanuod ang unang pinagbidahang serye; Sophie naghahanap ng ka-date

0 275

Advertisers

NGAYONG madalas na nasa bahay lang ang pamilya niya, sinisigurado ni Solenn Heussaff na malinis at fresh ang hangin sa paligid.

Ayon sa latest vlog ng Kapuso actress, “I would have to say, we spend about 80% of our lives indoors and now it’s 99.9% of the time. The way we do it is, having good ventilation in your home, using an air purifier, opening your windows once in a while, using natural furniture, and plants! This is why I have so many plants at home because one, it looks beautiful. Two, I don’t have a garden. And three, it does help with the air and the atmosphere of our house.”

May 18 varieties ng indoor plants si Solenn. Ilan sa plant babies niya ang money plant, snake plant, philodendron, fiddle-leaf fig, spider plant, at jade plant. Para mapanatiling buhay, nilalagay niya ang mga ito malapit sa light sources, nililinis ang mga dahon gamit ang isang natural disinfectant, at once a week ay pinapaarawan sa labas. Depende rin sa halaman kung gaano ito kadalas dapat diligan.



Aminado si Solenn na wala siyang “green thumb” kaya naman may pakiusap siya sa mga ito, “I don’t have a green thumb. I am not a perfect plant person because I do have dead plants. So, for those people who do, try to teach people like me who are not into planting but want plants at home.”

***

ISANG taon na rin palang vlogger si Kris Bernal. As part ng kanyang first YouTube anniversary, sinariwa ng Kapuso actress ang milestones sa kanyang career.

Sa kanyang two-part vlog, nag-react si Kris sa video clips ng kanyang mga proyektong nagawa.

Naging emosyonal si Kris nang mapanood ang ilang eksena ng kanyang first lead role sa Sine Novela: Dapat Ka Bang Mahalin?.



“Naiiyak ako… Sobrang kumapit sa puso ko ‘tong show na ‘to. Maraming salamat talaga sa lahat ng support at ‘tong show na ‘to na nagbigay ng hope and chance sa ‘min ni Aljur na magbida. Thank you sa GMA for the trust. Naaalala ko lahat ng hirap ko,” kuwento ni Kris.

Binalikan din ni Kris ang iba pa niyang shows kabilang ang StarStruck, Time Of My Life, Coffee Prince, at Little Nanay. Happy first YouTube anniversary, Kris!

***

NGAYONG Huwebes (Agosto 13), si Sophie Albert ang Kapuso star na maghahanap ng lucky fan upang makasama sa isang espesyal na virtual date sa ‘E-Date Mo Si Idol.’

Sa mga nais maka-e-date si Sophie, sabihin lang sa comments section ng kanyang Instagram post kung bakit ikaw ang karapat-dapat niyang piliin.

Abangan ‘yan ngayong Huwebes, 9pm, sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page. Makakasama ni Sophie as host si Victor Anastacio.

***

BENJAMIN ALVES AT EA GUZMAN PAANO NILALABANAN ANG ANXIETY SA GITNA NG PANDEMIC

Sa episode ng ‘Mars Pa More’ noong Biyernes, ibinahagi ng Kapuso actors na sina Benjamin Alves at EA Guzman kung paano nila iniiwasang lamunin ng anxiety dahil sa pandemyang kinahaharap natin ngayon.

Ayon kay Benjamin, hindi pa tuluyang nag-sink in sa kanya ang sitwasyon sa simula ng quarantine period at masaya pa itong nag-catch up sa mga pinapanood na dramas. “Ngayon lang ako nagkakaroon ng anxiety na gusto ko na lumabas. Kasi ang daming pwedeng panoorin, ang daming pwedeng gawin, but now parang nauubos na siya.”

Pagku-kwento naman ni EA, hindi niya naiwasang makaranas ng paranoia sa mga unang araw ng quarantine pero kalauna’y nalabanan din.

“Ako noong first month nung ECQ, medyo kinakabahan ako for me and for my family siyempre. Nakakapraning.”

Sa sharing group ng Mars Pa More ay inimbitahan din ng hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang clinical psychologist na si Richthofen de Jesus upang matulungan ang viewers na nakararanas ngayon ng anxiety.

Samantala, tuluy-tuloy na salubungin ang umaga with fun new segments hatid ng fresh episodes ng Mars Pa More, Lunes hanggang Biyernes, 8:45AM, sa GMA-7. (BKC)