Advertisers

Advertisers

Katiwalian sakit din na dapat malunasan – Bong Go

0 331

Advertisers

BUKOD sa coronavirus diesease o COVID-19, sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na ang katiwalian ay isa ring sakit na kailangang magamot ng bansa sa pamamagitan ng pagparusa sa mga nasa likod ng iregularidad sa loob ng mga ahensya ng pamahalaan.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag sa pagdinig ng Senate committee of the whole kaugnay ng mga isyu ng korapsyon na sumira sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Itong PhilHealth issues na pinag-uusapan natin dito ay parang isang sakit. Totoo naman, ang corruption at walang pakundangang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan ay talaga namang sakit ng lipunan.”



“Kagaya ng lahat ng sakit, dalawa ang dapat nating gawin – curative and preventive measures,” dagdag ni Go.

Binanggit ang bagong buo na Task Force na mag-iimbestiga sa mga katiwalian sa PhilHealth, sinabi ni Go na magsisilbi ito bilang bahagi ng mga hakbang sa “panggagamot” at paglilinis sa ahensya.

“Una, kailangan itong gamutin. Kailangan ng curative measures kaya po nag-utos na si President Duterte na bumuo ng Task Force.

“Hindi po lingid sa ating Pangulo ang mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth. Alam naman po nating lahat, at patuloy ko nga pong sinasabi, na dapat walang masayang ni isang sentimo sa kaban ng bayan,” ani Go.

Sinabi ni Go na ang Task Force ay isang buong pamamaraan ng gobyerno na kinabibilangan ng iba pang ahensiya ng gobyerno, sa pangunguna ng Department of Justice, NBI, ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)– na may suporta mula sa Office of the Ombudsman, Commission on Audit at iba pa.



“Public office is a public trust. Walang puwang sa administrasyon na ito ang mga corrupt at mga magnanakaw. We expect this Task Force to initiate thorough investigation, conduct audit and lifestyle checks, recommend suspensions, prosecute and file cases, even dismissal, and ensure that those accountable to be put in jail.

“At nabanggit po ng Pangulo na talagang yayariin niya kayo, nabanggit niya ‘yan kagabi. Alam kong nabibingi na tayong lahat sa walang katapusang alleged corruption sa PhilHealth. Dapat po ay masuspinde na ang dapat masuspinde para hindi na po makaimpluwensya at ma-lifestyle check na rin po,” anang senador.

Ngunit binigyang diin ni Go na ang paglutas ng mga isyu sa PhilHealth ay hindi ang katapusan ng krusada ng gobyerno laban sa katiwalian.

Ang mga maiingat na hakbang tulad ng paglipat sa E-governance ay kinakailangan upang lubos na maalis ang malalim na ugat at sistematikong katiwalian sa gobyerno.

“Pero hindi dapat natatapos dito sa paggamot ang gagawin natin. Kailangan na rin nating gumawa ng mga hakbang para magkaroon ng ‘vaccine’. In other words, kailangan ng preventive measures para hindi na ito mangyari pang muli. Isa na nga po dito ang transition to e-governance to minimize red tape and eliminate corruption,” sabi ni Go.

Ang mungkahi aniyang paglipat ng PhilHealth sa e-governance sa pamamagitan ng paggamit ng kasangkapan sa teknolohiya ng impormasyon na layong mabawasan ang pagkaantala ng burukrasya, mapabuti ang kawastuhan ng database nito at maalis ang katiwalian sa ahensya ay dapat din tiyaking malaya sa korapsyon. (PFT Team)