Advertisers

Advertisers

Ivana napantayan na ang 8-M subscribers sa Youtube ng No. 1 na si Alex

0 251

Advertisers

DAHIL umabot na sa 8-M ang subscribers ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi, sinelebreyt niya ito.

Nagpa-thank you si Alana sa kanyang walong milyong subscribers sa Youtube sa pamamagitan ng pagpo-post nito ng sexy photo na topless.

Regalo nga raw niya ito sa kanyang subscribers at mas lalo pa anyang pagbubutihin ni Ivana ang kanyang YT channel.



Ka-level na nga raw nito ang actress na si Alex Gonzaga na mayroon ding 8-M subscribers.

Dahil sa regalo nito sa subscribers sa pag-post ng topless, malamang nga raw na dumami pa ang subscribers ni Ivana at malagpasan na niya ang Youtuber din na si Alex.

Abut-abot naman ang pa- thank you ni Ivana sa lahat ng subscribers ng kanyang YT channel na talaga namang kinakarir nito ang pagiging vlogger.

***

WILLIE UMAYUDA NG P5M SA MGA JEEPNEY DRIVER



DAHIL sa ipinatutupad na MECQ balik na naman sa pamamalimos ang mga jeepney driver.

Kasisimula pa lang nila na pinayagang pumasada eto’t muli silang natigil sa pagbiyahe.

Kilala si Willie Revillame sa pagiging matulungin kaya nagpasiya ito at magpapaabot ng tulong sa mga kawawang drayber.

Limang milyon daw ang nakatakdang itulong ng TV host para sa mga tsuper.

Grabeng kasiyahan naman ang nadama ng mga dyipney driver sa pagtulong ni Willie.

Pero may pakiusap sila sa TV host na huwag na nga raw idiretso pa ito sa kahit anong ahensiya ng gobyerno.

Maganda nga raw na idirekta na lang sa kanila ang ibibigay na tulong ni Willie para sure na makararating talaga sa kanila.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)