Advertisers
KUNG ang ibang celebrities ay na-stuck sa bahay at naging idle during the lockdown, ibahin mo ang Kapuso hunk actor na si David Licauco.
Kahit na naka-quarantine, nagawa niyang kapaki-pakinabang ang kanyang home quarantine.
Naniniwala kasi siyang hindi dahilan ang limitasyon na dulot ng ECQ para maapektuhan ang kanyang pagiging produktibo.
Sa kaso ni David, nakatapos siya ng anim hanggang walong online courses during the lockdown.
Kinuha niya ang mga ito mula sa iba’t ibang universities abroad, hanggang sa masimulan niya ang kanyang online business ngayong panahon ng community quarantine.
“For me ang pinakanatuwa ako na ginawa ko is probably studying,” ani David.
“This quarantine I’ve finished like six to eight online courses sa mga different universities abroad na dapat ginagawa siya for four weeks but every course natapos ko siya in three to four days,” dugtong niya.
Iba raw ang ginawang pagpupursigi ni David sa pag-aaral kumpara sa kanyang nakagawian noong estudyante pa lamang siya.
“It’s just amazing na, coming from me especially. Kasi when I was in high school and college, sobrang hindi ako nag-aaral. Ako ‘yung type of person na mahilig mag-basketball, hindi masyadong pumapasok sa school.”
“Change of perspective din talaga. I think na because of this quarantine, I should say na I’ve changed a bit for the better,” sabi niya.
Kamakailan lang, inilunsad ni David ang isang online store na tumutugma sa kanyang fashion at advocacy na hikayatin ang mga tao sa healthy living.
“Nagtayo ako ng business na medyo complicated, medyo away from my comfort zone I should say. I think it’s just all about finding those opportunities and then making the ideas happen,” tsika niya. (Archie Liao)