Advertisers
Pumalo na sa 143,749 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa inilabas na case bulletin ng Department of Health nitong Miyerkules, August 12.
Ayon sa tala ng DOH, 4,444 ang nadagdag sa kaso kung saan umabot naman sa 72,348 ang aktibong kaso.
Ang fresh cases ay nasa 3,049 habang 1,395 naman ang late cases.
Sa karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso, 3,294 dito ang nangyari noong July 30 hanggang August 12.
Ang top regions ng mga kaso ay ang NCR na may 1,855 na kaso, Region 4A, 580; at Region 3, 190.
Nakapagtala naman ng 636 recoveries dahilan para umabot na sa 68,997 ang mga gumaling sa COVID-19.
Nasa 93 naman ang nadagdag sa mga pumanaw sanhi para umakyat na sa 2,404 ang nasawi sa COVID-19.
Sa 93 deaths, 13 ang nangyari noong August, 49 noong July, 30 noong June, at 1 noong May.
Mula naman sa Region 7 ang 67 na pumanaw, NCR, 16; Region 9, 3; Region 6, 2; Region 5, 2; Region 11, 2; at Region 4A, 1.
Inalis naman sa total case counts ang 231 duplicates kung saan sa nasabing bilang 9 ang recovered cases at 1 death ang inalis.
Mayroon ding 2 kaso na nadiskubreng negatibo at inalis na rin sa total case count matapos ang final validation.
Bukod dito, na-update na rin ang health status ng 62 kaso na una nang inireport na recovered ngunit matapos ang final validation napag-alamang 60 ang pumanaw at 2 ang active cases. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)