Advertisers

Advertisers

Bettor ng online sabong pinatay sa loob ng kotse

0 334

Advertisers

ISANG lalaki na mananaya ng online sabong ang natagpuang patay sa loob ng kanyang kotse sa Butuan City.
Kinilala ang biktima na si Elvis Bersabal, 21, residente ng San Vicente, Butuan City.
Sa report, 12:00 ng madaling nitong Miyerkules sa Purok 8, Barangay Bonbon, Butuan City nang matagpuan ang bangkay ni Bersabal sa loob ng kulay puting Toyota Wigo.
Sa report, huling nakitang buhay ang biktima, 1:00 ng hapon ng Agosto 7, nang magpaalam na tataya sa online sabong.
Simula noon hindi na nakauwi si Bersabal.
Ayon sa ama ng biktima, naniniwala siyang pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil may dala-dalang malaking halaga ng pera ang kanyang anak na pantaya sa online derby.
Naniniwala naman ang mga awtoridad na may kinalaman sa online derby ang motibo sa krimen.
Nagpaalala ang mga awtoridad na mahipit na ipinagbabawal ang sabong, tupada, online derby dahil sa kinakaharap ng pandemya.
Nagtataka ang pulisya kung bakit may online sabong sa lungsod gayong hindi pa ito pinahihintulutan.(PTF team)