Advertisers
SA kabila ng development ng Russia kaugnay ng COVID-19 vaccine, sinabi ng Department of Health (DOH) na di pa sigurado kung magiging available na sa bansa ang bakuna laban sa virus pagdating ng Disyembre.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa Phase 3 pa lamang ang clinical trials kaya di pa masasabing magkakaroon na ng bakuna sa loob ng taong ito.
Aniya, hinihintay pa ng Pilipinas ang resulta ng trials ng Russian vaccine kahit na mayroon nang nagsasabing maganda ang nasabing bakuna.
Dagdag ni Vergeire, bukod sa bakuna mula sa Russia, kinukunsidera rin ng Pilipinas ang lima iba pang vaccine mula sa ibang bansa na nasa Phase 3 na ng clinical trials.
Pinag-aaralan na aniya ng mga eksperto mula sa Department of Science and Technology (DOST) kung ano sa anim ang pinaka mainam para sa Pilipinas.(Jocelyn Domenden)