Advertisers
INARESTO ang dalawang drivers nang magmaneho habang lasing at nauwi sa banggaan sa Barangay 13, Laoag City Lunes ng gabi.
Sapul sa CCTV ang banggaan ng pick-up truck at kotse sa kanto ng General Segundo Ave. at P. Gomez Street 10:00 ng gabi.
Tumagilid ang pick-up matapos salpukin ito ng kotse dahil sa parehong mabilis ang patakbo nila ng kanilang sasakyan sa kurbada.
Kita sa CCTV na wasak ang harapang bahagi ng kotse.
Kinumpirma ni Police Lt. Col. Rafael Lero, hepe ng Laoag City Police Station, na nasa impluwensya ng alak ang mga driver ng pick-up at kotse.
Pareho na walang kasama sa kani-kanilang sasakyan ang dalawa nang mangyari ang aksidente.
Bukod sa reklamong driving under the influence of liquor, haharap din sa reklamong paglabag sa curfew ang mga driver. Mula 10 ng gabi hanggang 4 ng madaling araw ang curfew hours ng siyudad.(PTF team)