Advertisers
PAUMANHIN sa ulo ng aming komentaryo. Masyadong diretso at walang ligoy. Ngunit pinangangatawanan ang mga kataga. Walang bayag ang liderato pagdating sa China. Masyadong sinasamba ang China ni Rodrigo Duterte.
Noong Lunes, nagsalita ang hepe ng Philippine Navy na si Vice Admiral Giovanni Bacordo tungkol sa usapin ng West Philippine Sea: “The Chinese Navy patrolling Philippine waters have been more accommodating to Filipino forces since Duterte became president.” Sobrang pagsisipsip na ito. Mukhang may ibang ambisyon?
Noong Linggo naman, naghamon pa ang isang laos na artista kay Sonny Trillanes na sabay silang pumunta sa WPS. Maigi at hindi dinunggol sa labi ni Sonny Trillanes ang artista laos.
Kantiyaw ang balik sa tigas-titii, tigas-ihi na artista. Noong nasa Phil. Navy pa siya, nagpabalik-balik si Trillanes sa WPS at nakahuli pa ng mga nangingisdang Intsik sa karagatan na pag-aari natin at isang surveillance ship. Kahit ROTC training, hindi kayo nagkaroon ni Duterte, kantiyaw ni Trillanes. “Puro lang kayo yabang.”
***
NAGBITIW ang buong Gabinete ng Lebanon dahil sa nangyaring pagsabog kamakailan. Hindi uso ang mga medical certificate at wheelchair sa kanila, ayon sa isang netizen. Totoo.
***
PINAG-UUSAPAN na rin ang kagaguhan, sobra-sobra ang kagaguhan ng maraming opisyales ng barangay. Dahil gusto nilang ipakita na sila ang makapangyarihan, walang ginawa ang mga iyan kundi maglagay ng mga roadblock sa maraming kalsada.
Walang silbi ang mga roadblock. Walang malinaw na pakay. Nagsisilbing sagabal sa malayang daloy ng mga tao at sasakyan. Sa ayaw at sa gusto ng mga opisyales ng mga barangay na pawang mahihina ang kukote at kakayahang umunawa, gagalaw at gagalaw ang mga tao at sasakyan. Kasi may pangangailangan. Kailangan nilang pumunta sa bangko, grocery at palengke, botika, at kahit sa mga remittance center.
Dahil sa mga roadblock, hindi makagalaw ng maayos ang mga tao at sasakyan. Sobra ang power tripping ng mga opisyales ng barangay. Akala nila mapipigil ng roadblock ang pagkalat ng hindi makitang China-Duterte virus. Nagkakamali sila.
***
NAGBITIW bilang senior vice president for operations ng Philhealth si Augustus de Villa. Sa isang madamdaming pahayag na binasa sa public hearing kahapon ng Senate as a committee of whole, ipinagdiinan ni de Villa na hindi niya masikmura ang korapsyon sa Philhealth.
“Ang … dahilan ng aking pagbibitiw ay … delicadeza po. Ako ay isang taong marangal, merong dignidad at integridad. Malinis ang aking konsensya at naniniwala ako na hindi ako babagay na magsilbi pa sa isang ahensya ng gobyerno na punong-puno ng alegasyon ng korapsyon at katiwalian,” ani de Villa
Ang ipinagtataka ay ang pag-aatubili ni Ricardo Morales na magbitiw bilang presidente at CEO ng Philhealth. Bakit ayaw magbitiw? Bakit hindi sinisipa ni Duterte? Dahil taga-Davao City siya?
***
HINDI biro ang gawa ng gobyerno ni Duterte. Lubos na umasa sa mga utang upang tugunan ang pangangailangan ng bansa. Ang utang ay binabayaran. Hindi ito walang kabayaran at kapalit. Maiging maunawaan ang masamang epekto ng labis na pangungutang. Narito:
1. Mas malaking bahagi ng kita ng gobyerno (buwis at iba pang bayad sa serbisyo ng gobyerno) ang mapupunta sa pagbabayad ng mga utang. Liliit ang ilalaan na pambansang taunang budget upang tugunan ang mga gastusin ng gobyerno. Ibayong pagtitipid ang mangyayari at maraming proyekto ang hindi mabibigyan ng salaping gagastusin.
2. Liliit ang salaping gagatusin upang tugunan ang pangangailangan sa serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at serbisyong panlipunan. Bababa ang kalidad ng edukasyon, ang kakayahang mapangalagaan ang kalusugan ng sambayanan at gamutin ang maysakit, at maaaring hindi matulungan ang mga biktima ng kalamidad at sakuna.
3. Aagawin ng gobyerno ang salapi na para sa pribadong sektor. Liliit ang salaping maaaring ipautang sa mga pribadong kumpanya. Tataas ang interes na ibabayad ng mga pribadong kumpanya sa kanilang mga inutang. Maraming kumpanya ang hindi na lang mangungutang. Maaaring magsara ang iba. Nawawala ang sigla sa kalakalan. Mawawala ang kumpiyansa sa pagnenegosyo.
4. Kapag nawalan ng sigla ang kabuhayan, sanga sanga na epekto; nariyan ang matinding unemployment. Maraming nagtatrabaho mawawalan ng trabaho; maraming bagong graduate ang hindi makakahanap ng hanapbuhay. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay, marami ang matutuksong gumawa ng illegal tulad ng pagkalulong sa droga, krimen, at marami pang iba.
5. Malaki ang epekto nito sa pulitika ng bansa. Hindi mawawala ang mga kilos protesta at mga pagtatangka na agawin ang poder. Maaaring pumasok ang mga puwersang walang lehitimong dahilan upang hawakan ang timon ng bansa.
6. Masisira ang imahe ng bansa sa pandaigdigang komunidad (international community). Iiwas ang maraming bansa na makipagkalakalan. Hindi darating ang mga turista dahil sa tingin nila, magulo ang Filipinas at walang katatagan.
7. Mapipilitan magpataw ng bagong buwis ang gobyerno, ngunit mas masama ang magiging epekto. Maaaring tumumal ang paglago ng mga industriyang tatamaan ng mataas na buwis. Dahil sa bagong buwis, tataas ang halaga ng mga kalakal at maraming mamamayan ang mapipilitan na hindi bumili ng mga kalakal na nagmahal ang presyo.
8. Maraming kumpanyang dayuhan ang mapipilitang umalis sa Filipinas at magiging isa itong dahilan upang hindi pumasok ang ibang mamumuhunang dayuhan. Masisira ang reputasyon ng Filipino sa pandaigdigang kabuhayan.
9. Masasayang ang pinagpaguran ng mga nakalipas na administrasyon at babalik ang reputasyon ng Filipinas bilang “sick man of Asia.”
10. Hindi matatapos ang ibang usaping pangkapayapaan at sigalot pampulitika tulad ng rebelyon ng mga komunista at iba pang grupong pulitikal. Mananatili ang pagiging marahas ng lipunan Filipino.
***
QUOTE UNQUOTE: “You must be stupid to call it “Imperial Davao.” The more appropriate phrase is “Inferior Davao.” They are inferior in thoughts, in words, and in deeds. They are incomparable when it comes to poverty of logic. Look at our country now that cabal of criminals is in power.” – PL, netizen