Advertisers

Advertisers

PBA Legend: Nasaan na si Terry ‘Plasticman’ Saldaña?

0 331

Advertisers

TIYAK na marami pang nakakakilala kay Antero ‘Terry’Saldana partikular iyong mga enthusiasts at followers ng Philippine Basketball Association (PBA) noong dekada ’80 at ’90.
Umukit ng kanyang pangalan ang Manilenong si Terry nang mapansin ang kanyang husay sa basketball ng Colegio San Juan de Letran bilang junior varsity at naging Growling Tiger ng University of Santo Tomas sa kolehiyo.
Bukod tangi ang kapalaran ng 6’3″ 190 pounder na si Saldana dahil magmula sa MICAA ay diretso ­siyang pumirma ng rookie contract sa Toyota Super Corollas sa PBA noong 1982 ka sangga sina PBA superstars Ro­bert Jaworski, Ramon Fernandez at Francis Arnaiz.
Maningning sana ang simula nang career ng binansagang Plasticman sa liga dahil halos abot-kamay na niya ang Rookie of the Year award ng PBA.
Humulagpos ang kanyang milestone nang masangkot siya sa brawl laban sa Koreanong hotshot na si Lee Chung -hee noong PBA Invitationals(1982) at sa halip ay nasungkit ito ng kanyang namesake na si Marte Saldana.
Bukod sa pagiging deadly shooter sa perimeter tampok ang kanyang twisting hangtime shots sa paint ay naging enforcer siya at bantay ng mga best scorer ng kalabang koponan kung kaya hinirang siyang Most Improved Player noong 1983 sa kanyang team Gylbey’s Gin na kalaunan ay naging Ginebra San Miguel- pinakapopular na team sa PBA.
Nang milagrong nakarekober si Terry sa kanyang halos career ending knee injury (1987) nang bablangkahin sana ang lay-up ng kanyang namesake na namang si Marte ng Hills Brothers Coffee ay naging isa ­siyang journeyman sa PBA.
Naglaro siya sa Alaska, Pop Cola/Sarsi,Formula Shell at ang pinakahuling pro- team nito ay sa Batang Red Bull Energizers noong 2000.
Ang soft-spoken player na halimaw sa hardcourt noong si Terry ay naging tahimik ang kanyang pribadong buhay at nanirahan na sa kanyang napundar na bahay sa Canlubang.
Nananalaytay pa rin ang dugo ng isang basketbolista, ang 58- anyos nang si Terry Saldana ay naging ­abala pa rin sa laro, pagtuturo sa mga bata at bilang miyembro ng coaching staff ng basketball team sa commercial amateur cage league.
Bago ang outbreak ng pandemic COVID-19 ay kabilang si Plasticman sa coaching staff ng Wangs Ballclub sa PBA D- League kaagapay ni dating head coach Pablo Lucas at deputies Buboy Rodriguez at Dennis Lim.
Sa pamamagitan ni team owner Businessman / Sportsman Alex Wang ay naging abala muli ang basketball actions ni Terry.
Bilang Letranista tulad ni Wang, ginawaran kamakailan si Terry Saldaña ng espe­syal na pagkilala ng kanyang alma mater noong high school na Letran sa rekomendasyon ni Wang.
Optimistiko si Saldana na babalik sa normal ang mga ak­syon sa basketball pag meron ng bakuna sa coronavirus pan­demya upang maipagpatuloy na niya ang adbokasiya sa pagtuklas ng bagong ‘Plasticman Saldana’ sa local hardcourt.