Advertisers

Advertisers

Pandemic sinamantala ng drug traffickers: P81m ‘tsongki’ nasabat ng PNP

0 283

Advertisers

IPINAGMALAKI ni PNP Chief Archie Francisco-Gamboa ang pagkakasabat ng PNP sa P81.6 million halaga ng marijuana products sa pitong magkakahiwalay na anti-illegal drug operations kungsaan tatlong marijuana farms ang sinira at dalawang buybust operations.
Ayon kay Gamboa, sinasamantala ng drug traffickers ang pandemic sa pag-aakalang nakatuon lamang sila sa health and safety issues.
Siniguro ni Gamboa na tuloy-tuloy ang operasyon kontra iligal na droga ng Philippine National Police sa kabila ng pagiging abala sa COVID-19 pandemic.
Babala pa ng Chief PNP, paiigtingin nila ang operasyon at paghahabol sa mga sindikato, maliit man o malaki.
Kabilang sa nasabat ng PNP ang 107 bricks ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P13 milyon na nasabat sa dalawang suspects sa Mabalacat City.
Habang 34 kilo ng marijuana at 156 grams ng high-grade kush na nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon ang nasabat sa tatlong suspek sa operasyon sa Valenzuela City at Antipolo City.
Mahigit P59 milyon halaga ng marijuana plants din ang winasak sa Tinglayan, Kalinga at Toledo City sa Central Visayas.
Nasa 42 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng P5 milyon ang inabandona naman sa Quezon, Isabela.(James de Jesus)