Advertisers
NAMATAY ang isang police station commander ng Manila Police District (MPD) matapos isugod sa Manila Medical Center nang makaramdam ng paninikip ng dibdib Linggo ng gabi sa United Nation Ave. sa Maynila.
Kinilala ang nasawi na si LtCol. Michael Garcia, station commander ng MPD-Police Station 9 sa Ermita.
Ayon sa doktor, Cardiogenic Shock Secondary to Acute Coronary Syndrome-Myocardial Infection ang sanhi ng pagkamatay ni Garcia.
Sinabi naman ng misis ni Garcia na mayroon ngang sakit ang mister, pero d’i COVID19. (Andi Garcia)