Advertisers
INURONG sa Nobyembre 28 ang exhibition fight nina Mike Tyson at Roy Jones
Ang nasabing laban sana ay unang itinakda sa Setyembre 12 sa Dignity Health Sports Park sa California.
Ayon sa kampo ng dalawa, may mga pinaplantsa pa silang mga sponsors para sa nasabing laban.
Sasamantalahin din anila ang pagkakataon para makapag-ensayo pa.
Magugunitang huling lumaban ang 54-anyos na si Tyson noong 2005 ng talunin siya ni Kevin McBride habang taong 2003 naman ng talunin ng 51-anyos na si Jones si John Ruiz para makuha ang WBA heavyweight championship.