Advertisers

Advertisers

Carla isinuko na ang naluging resto dahil sa pandemya

0 343

Advertisers

SA showbusiness, hindi garantisadong kapag may negosyo ka ay may fallback ka na.

Minsan kahit may naipundar ka, minsan masasaid din iyon lalo na kung hindi ka marunong humawak ng pera.

Kaya naman sa panahon ng pandemya, labis na apektado ang entertainment industry, ang pagiging masinop ay isang bagay na dapat matutunan.



Sa aspetong ito, hindi ikinaila ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang kanyang mga natutunan.

Bilang negosyante, kung may isang bagay man siyang natutunan ay kung paano  mag-adapt sa krisis.

Dahil lugi ang kanyang restaurant business, she wants to manage to cut down on her losses.

Kaya naman kahit mabigat ang dibdib, kailangan niyang isara ang kanyang Holy Smokes restaurant na matatagpuan sa Poblacion, Makati.

Ang bagay na ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.



“It is with sadness that we bid farewell to our home for the last 4 years in Poblacion. Unfortunately, this pandemic has left us with no choice but to give up the space and relocate to a cheaper and smaller location. It is the only way we can stay afloat and survive this difficult time,” aniya.

Sa isa pang post, ibinahagi rin niya ang  magagandang alaala niya ng nasabing restaurant.

“As we close our Poblacion home, we can’t help but look back at all our happy memories, features and achievements,” sey niya.

Marami naman ang nag-wish na makabawi agad ang aktres.

May mga nangantiyaw ding bawi naman daw ito dahil panalung-panalo ang lovelife niya sa piling ni Tom Rodriguez. (Archie Liao)