Advertisers
KINUMPIRMA ni Major Rogelio Dumbrique ng 702nd Infantry Brigade ng Philippine Army na ang nasawing babae sa pakipagbakbakan sa militar nitong Sabado ay kasapi ng Kilusang Larangang Gerilya South Ilocos Sur sa Suagayan, Sta Lucia.
Ayon kay Dumbrique, dating aktibista nanaging NPA combatant si Pamela Peralta alyas Maymay na nagtapos sa University of the Philippines.
Aniya, mayroon pang mga kasamahan si Maymay na tatlong top leader sa Namatican, Sta Lucia na nagtapos din sa UP na napatay noong February 13 dahil pakipagsagupaan sa mga kasapi ng militar.(PTF team)