Advertisers
Inaasahang papatawan ngayong Linggo ang 50 barangay kapitan ng preventive suspension sa Office of the Ombudsman sa anomalyang kinasasangkutan sa pamamahagi ng ayuda sa unang bugso ng Special Amelioration Program (SAP).
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Vice chairman at DILG Sec. Eduardo Año nakipag-ugnayan na ito kay Ombudsman Samuel Martires para isumite ang mga kaso laban sa mga tiwaling brgy. opisyal. Saad pa ni Año na kabilang sa mga masususpinde ay 13 na kapitan sa Metro Manila, 13 sa Ilocos; 10 mula sa Cagayan Valley, 3 mula sa Central Luzon at 11 mula sa Calabarzon.
Nilinaw ni Año na ang 50 ay kabilang sa 155 na inireklamo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi pa ni Año na ipinabatid nito sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang mga naturang mga opisyal ng brgy. ay nahaharap sa mga kasong malversation, corruption, estafa, at iba pang graft related anomalies. (Josephine Patricio)