Advertisers
NAGSALITA na ang PhilHealth workers laban sa mga opisyal ng ahensiya na sangkot sa P15 bilyong katiwalian.
Nakikiusap sila kay Pangulong Rody Duterte na sibakin na ang kanilang presidente na si Ricardo Morales at lahat ng miyembro ng executive committees.
Anila, hindi dapat ipinagtatanggol ni Duterte si Morales sa sumambulat na katiwalian sa PhilHealth.
Tama! Napakaimposible nga naman na walang alam si Morales sa P15-B anomaly gayung sa kanyang lamesa dumadaan ang malalaking transaksiyon. Pirma niya ang kailangan sa bawat release ng pera para sa mga bayarin kuno sa mga ospital.
Si Morales, isang retired Army General, ay nag-abiso sa Senado na hindi na dadalo sa mga sunod na pagdinig dahil sasailalim ito sa chemotheraphy. Advise raw kasi ito ng kanyang duktor.
Ang rason na ito ni Morales ay binatikos ng netizens sa social media: Ganitong ganito raw ang mga palusot ng mga “mandarambong” na kapag nagipit ay sa wheelchair kumakapit. Ipinakita pa ng netizens ang screen shots nina ex-Presidents Joseph Estrada at Gloria M. Arroyo at 3x-First Lady Imelda Marcos na nakasakay sa wheelchair habang humaharap sa mga pagdinig sa korte sa mga kinaharap na kasong katiwalian noon.
Biglang kambiyo naman si Morales. Kahit ‘di raw siya makapunta sa Senate inquiry ay handa naman siyang sumagot sa mga tanong ng senador via zoom o online.
Binanatan pa ni Morales ang Senado sa paglabas sa publiko ng kanyang medical certificate na siya’y sasailalim sa chemo. Nilabag daw ang kanyang privacy.
Buwelta naman ni Senate President Tito Sotto: Walang privacy ang high-level officials tulad ni Morales. Aray ko!
Ang ikalawang araw ng Senate inquiry sa multi-billion pesos PhilHealth anomaly ay ngayong Martes, Aug. 11.
Subaybayan!
***
Lumipad Lunes ng hapon patungong Davao City ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa importanteng pulong nila ni Pangulong Duterte.
May ihahayag daw kasi ang pangulo. Kung ano man ito, malalaman natin ngayon.
Abangan!
***
Inanunsyo nitong Linggo ng gabi ni Senador Bong Revilla Jr. na nagpositibo siya sa covid 19.
Pero hindi naging maganda rito ang reaksiyon ng netizens sa kanyang tweet. Nagpostibo narin daw kasi siya noon sa ‘kupit PDAP’. Araguy!!!
Si Bong ay isa sa tatlong senador na nakulong ng maraming taon sa kasong Plunder dahil sa pagkakasangkot sa P10-billion PDAF scam masterminded by Janet Lim-Napoles.
Napawalang-sala ng graft court si Bong, pero pinasosoli sa kanya ang nalustay na higit P100 million pondo mula PDAF.
Ang dalawa pang dating senador na nahaharap sa PDAF scam ay sina dating Senate President Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.
Si Bong ang pang-apat na senador na dinapuan ng China veerus. Una ay si Koko Pimentel, sumunod sina Sonny Angara at Migz Zubiri.
Masasabi kong mga pasaway sila, hindi sumusunod sa protokol kontra covid. Kung sumusuot sila ng facemask at may social distancing, ‘di sila magkaka-covid. Hehehe…