Advertisers
KUNG dati eh ugong-ugong ang paglipat ni Billy Crawford sa dati at una nitong tahanan, ang GMA-7 pero sa kabilang banda eh natahimik na ang isyu.
At sinabi ng netizens na tsika lang ang naglabasang isyu sa pag-ober da bakod ni Billy.
Ngayon ang tsismis eh namataan daw si Sarah Geronimo sa bakuran ng Kapuso network.
Ayon sa sitsit eh nakipagpulong daw ang esmi ni Matteo Guidicelli.
Dahil sa hindi pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN dami na talagang artista ng Kapamilya na napaulat na nagtangkang lumipat sa Siyete o Singko.
At ayon sa sitsit paano nga raw makikipagpulong si Sarah eh wala naman ang mga big boss sa naturang himpilan.
Natatawa naman ang kampo ni Sarah sa naglabasang balita at knows daw na ang loyalty nito eh nasa Dos na ikinataas ng kilay ng netizens.
Ayon sa aming impormante ang mga balitang paglipat nina Billy at Sarah sa Kapuso network eh pawang tsika lang.
***
KRIS NEVER DAW NANG-IWAN SA MGA TAONG LOYAL SA KANYA
SA kabila na matagal ding panahon na hindi nasilayan ang beauty ni Kris Aquino sa telebisyon.
Ikinatuwa naman nito na may mga tao pa rin na loyal sa kanya na kahit wala na siyang pakinabang eh nandiyan pa rin ang mga ito.
Si Darla na dati nitong Headwriter sa kanyang programa at ang kanyang Chief Of Staff at dalawang baklitang nagpapaganda kay Kris.
Kaya dahil nanatili ang loyal nito sa kanya kahit wala ng show ang mudra nina Josh at Bimby nanatili sila sa suporta kay Kris.
At dahil sa pagiging loyal at hindi nang-iwan kay Kris kaya may kataga ang TV host-actress, “May mana kayo,” sabay halakhak.
Nasubok naman si Kris ng panahon ng krisis sa mga taong loyal sa kanya at never nang-iwan sa ere.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)