Advertisers
O, wag namang maging reactionary ang ilan sa mga sangay natin sa gobyerno.
Wag nang mag-antay pa ng utos mula Malacañang.
Alam naman ng mga ito na under MECQ ay suspendido ang mass transport system.
Dito dapat sila mag-deploy ng libreng sakay para sa mga kaawa-awa nating mga kababayan na bahagi ng tinaguriang essential workers.
DOTr, PNP, MMDA at mga LGUs ang may responsibilidad sa hakbanging ito.
Malaking tulong ito upang mabawasan ang kalbaryo na tinitiis ng mamamayan sa araw-araw dahil sa pandemya.
Sa unang araw ng MECQ sa NCR dapat ipakita na ng mga ahensiyang ito ang kanilang kahandaan.
Sa sitwasyon nating ito sa kasalukuyan, marapat na maging responsable ang lahat.
Maging masunurin sa lahat ng health protocols na inilalatag ng gobyerno.
Panatilihing bukas ang kaisipan sa kapakanan ng kapwa at maging aware sa lahat ng sandali upang labanan ang salot na virus.
Bagama’t nakakaranas tayo ng ibayong pagsubok sa ating buhay dahil sa pandaigdigang pandemya, manalig tayong lahat sa ating personal na kapasidad at kapasidad ng ating gobyerno para malampasan at mapagtagumpayan ang krisis na ito.
Ang masakit lamang, sinasamantala ng mga kritiko ng administrasyong Duterte ang sitwasyon para maghasik ng kaguluhan at kalituhan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga maling balita, espekulasyon at haka-haka upang siraan ang estado.
Ang mga bulok na pulitikong ito na ang karamihan ay nasa bulwagan ng Senado at Kamara ay may suporta ng mga ganid na negosyante na nabibilang sa oligarchy na pinangalanan na rin ng Pangulong Duterte.
Ang mga ito ang may ilang dekada ng gumahasa sa karapatan at kapakanan ng taongbayan.
Sinasamantala ng mga ito ang minsang kahinaan at pagkakamali ng ilan sa mga lider ng ating bansa.
Kaya maging mapagmatyag tayo sa mga taong ito na hell-bent na manggulo at idiskedito ang gobyerno.
May kasunod…Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com