Advertisers

Advertisers

Puganteng Kano huli sa Batangas

0 308

Advertisers

IPATATAPON ng Bureau of Immigration (BI) ang nahuling Amerikanong pugante na may kinakaharap na kaso dahil sa assault at possession of deadly weapon.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakilala ang dayuhan na si Peter Alex Drier, 45-anyos.
Naaresto ng mga tauhan ng BI Fugitve Search Unit (FSU) at Batangas Police si Drier sa bahagi ng Barangay Dayap Itaas sa Laurel nitong August 5.
Inilabas, aniya, ang mission order para maaresto si Drier kasunod ng kahilingan ng US Embassy sa Manila.
Ipinaalam din ng US Embassy sa BI na kanselado na ang pasaporte ng dayuhan kung kaya’t isa na itong undocumented alien.
Dagdag pa ng hepe ng BI, mapapasama rin si Drier sa immigration blacklist upang hindi na muling makapasok ng Pilipinas.
Sa ngayon, nananatili ang dayuhan sa temporary custody ng Batangas Provincial Police habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 swab test nito.(Jocelyn Domenden)