Advertisers

Advertisers

PUBLIC VIEWING SA LABI NI LIM PINAGHAHANDAAN NA – ISKO

0 1,332

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglalagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Andres Bonifacio Shrine bilang pagpupugay at pagkilala kay dating Manila Mayor Alfredo S.Lim at sa napakahabang serbisyong ginugol nito sa Maynila.

Nauna rito ay pinatay ang ilaw sa Manila City Hall clock tower bilang pagluluksa sa pagkamatay ng alkalde.

Kasabay nito, sinabi ni Moreno na inihahanda na ng Lungsod ang public viewing kay Lim sa sandaling alisin na ang modified enhanced community quarantine (MECQ).



Plano ni Moreno maging lugar ng public viewing ang Bonifacio Shrine sa tabi ng City Hall na ipinagawa ni Lim noong siya pa ang alkalde ng Maynila bilang pagkilala sa kadakilaan ni Gat Andres Bonifacio.

Sa kanyang live broadcast, pinasalamatan ni Moreno ang dating alkalde dahil sa paggugol nito ng 50 taon sa 58 taon niya sa public service sa mga taga-Maynila.

Nagsilbi siyang pulis sa loob ng 38 taon at 12 taon naman na naging alkalde ng Maynila.

Binanggit pa ni Moreno na kabilang sa mga accomplishments ni Lim ang pagtatayo ng libreng kolehiyo para sa mga mahihirap at lima sa 6 na hospital na pinatatakbo ng Lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sinabi rin ni Moreno na immortalize niya si Lim dahil karapat-dapat itong pamarisan at habang buhay na maalala ng mga taga-Maynila at ng mga susunod pang henerasyon.



Isa si Lim sa kaagad na pinuntahan ni Moreno matapos manalo sa halalan noong 2019.

Pinasalamatan naman ni Christy Lim-Raymundo, anak ni Lim ang lahat ng sumuporta at nakiramay sa pagpanaw ng kanilang ama.

Si Lim ay pumanaw noong Sabado ng alas-4:30 ng hapon sa edad na 90. (Andi Garcia)