Advertisers
Sa halip na Black Lives Matter ay nakasulat sa hardcourt ang Batas Hindi Dahas. Medikal Hindi Militar kaysa I Can’t Breathe nakatatak sa jersey.
Pati sa shirt ng mga coach ay naka-print ang Tama Na Sobra Na hindi ang Racial Justice.
Yan ay kung tutulad ang PBA sa NBA na talaga naman sa umpisa pa lang ay kanilang ginagaya na.
Pwede rin mabasa natin sa mga uniporme ng mga player and Di Nyo Ba Naririnig, Di Pa Ba Tapos Ang 3 – 6 Months, My Gad I Heyt Drags, TABOGO Ka Ba at Proud Dilawan.
Maaari ring Inutil Ako, Wala Na Tayo Maga-gawa, Baka Magalit Ang China, Kailan Ka Mag-Jetski sa WPS, Yehey Parang Singapore Na Tayo, Laban Lang. Uubra ring Natokhang, Whiff Of Corruption, PH Got Traitor, No To Anti-Terror Law, FailHealth at Utang Ng Ina Mo.
Para parehas eh di mga pro-Duterte maglagay ng Kahit Ano Pang Mangyari DU30 Pa Rin Kami o simpleng DDS Hanggang Sa Huli. Hehehe.
Kaso ang layo ng propesyunal na liga natin sa pinaglalaruan nina LeBron James, Giannis Antetokounmpo at James Harden.
Mula sa prinsipyo hanggang sa negosyo. Tila ba ang NBA ay may konsensya at may paki sa nangyayari sa kanilangkapaligiran. Eka naman ni Aling Barang na purong business ang lokal na pro league kaya ganyan may pinoprotektahan.
Sayang at sadyang magkaiba sila. Sorry ka na lang LuzViMinda!
***
Ngayong nakuha na pareho ng Bucks at Lakers ang mga titulo ng dalawang conference ay kaya ba nila makarating din sa dulo ng NBA Finals?
Noong isang taon ay bigo ang Milwaukee kahit sila pa kampeon sa Eastern Conference. Dinaig sila ng Toronto kahit hawakpa nila ang best best over-all record. Pero mas wais na sila ngayon dahil sa karanasan na yan.
Ang Los Angeles naman ni hindi nakapasok sa playoff round. Siyempre wala pa si Anthony Davis noong huling season.
Inaasahan na ang Celtics o ang Raptors ulit ang pwede makapigil sa koponan ng The Greek Freak.
Samantala dadaan sa kamay ng Clippers ang Lakers kung nais ni Davis masungkit una niyang tropeo.
Ayon kay Ka Berong ay malalampasan ng Lakers at Bucks ang lahat para magkita sa kampeonato. Ngunit wala paraw prediksyon si Kaka kung sino magwagi ng korona. Kayo ba?
***
Parang Phoenix ang may homecourt advantage sa NBA Restart. Limang sunod-sunod na panalo na ang Suns sa Disney Bubble. Kaya sina Devin Booker may pinakamagandang record sa Florida chapter. Lumaki pa kamo pag-asa nilang ma-in sa top 8 sa Western Conference. Pero ang Magic na taga-Orlando ay naka-2 lang na W sa 6 nilang game. Napanatili naman nila ang 8th spot sa East.