Advertisers

Advertisers

OPISYAL NG NDF, 1 PA PINATAY SA QC

0 332

Advertisers

PATAY ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at isa pa matapos pasukin sa inuupahan nitong apartment at pagsasaksakin ng limang hindi pa kilalang salarin sa Novaliches, Quezon City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Randall “Randy” Echanis, 72, NDFP consultant at kasapi ng NDFP committee on socio-economic reforms; at Louie Tagapia, 48.
Sa report, inakala si Echanis bilang isang “Manuel Santiago” dahil sa nakuhang isang ID.
Ayon sa ulat, natagpuan si Echanis sa tinutuluyang Unit K ng apartment sa No. 14 Petronian St., Barangay Nova Proper, Novaliches; at ang isa ay natagpuan namang patay sa katabing Unit J ng apartment.
Sa report, 1:35 ng madaling araw nitong Linggo nang maganap ang krimen sa ikalawang palapag ng apartment ng biktima.
Ayon sa witness, nagising siya dahil sa ingay na narinig mula sa ikalawang palapag ng apartment at nang sumilip siya sa bintana ay nakita ang limang lalaki na nagmamadali sa pagtakas.
Dahil dito, tinawag nito ang kanyang ama upang puntahan ang pinagmulan ng ingay at tumambad sa kanila ang wala nang buhay na si Tagapia na nakahandusay sa sahig at nakatali ng nylon cord ang mga kamay sa likuran.
Sumunod na nakita ng mag-ama ang katawan ni Echanis na tigmak din ng dugo at nakahiga sa folding bed.
Agad ipinagbigay-alam ng mga testigo sa may-ari ng apartment at humingi sila ng tulong sa barangay.
Kinumpirma naman ng Anakpawis partylist na si Echanis nga ang isa sa pinaslang sa apartment nito sa Novaliches.
Sinabi ni dating Anakpawis representative Ariel Casilao na si Echanis ay chairman ng Anakpawis at deputy secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Siya rin ang 3rd nominee ng Anakpawis noong 2010 elections. (Boy Celario/Ernie dela Cruz)