Advertisers
Gud ev’ po. Dito po sa Imus, Cavite grabe ang pahirap sa tao bago ipamigay ang ayuda. Dito mas prayorite nila ang may kaya kaysa mahirap. Inuna pa nilang bigyan ang may mga trabaho at sumasahod lingohan o no work with pay. Saka may mga binata ring nakakuha. Pagkakuha po nila order kaagad sa online. Ang iba po kumukuha ng refrigerator hulogan. Dito po yan sa Doyet. Saka marami pang nag-iinuman kahit lockdown. Ok… wala pong pakialam ang kapitan dito. Ang alam lang po pangungurakot. Kaya nga po dumarami ang may covid dito dahil walang pakialam sila. – Concerned citizen
PhilHealth popondohan tapos ipananakaw lang
PhilHealth isasalba ng gobierno sa pag kabangkarote. Pano ang gagawin ng Palasyo, Hurry Roquwe? Babawiin ang mga kinurakot ng mga opisyal? O ipangungutang na naman at kayo na naman ang makikinabang? Lubog na kami mga mamamayan sa trilyon na mga inuutang ni PIM. Sa panahon ni PNOY nasa P1.37 trilyon lang ang nautang nito sa loob ng anim na taon. Kumpara mo kay PIM na taon taon trilyones ang inuutang. Kawalanghiyaan ng mga alipores ni PIM pinagtatanggol at sinasalo nya. Asan ang pinagyayabang ni Sen. GO na babanatan nya ang mga korap sa mga ahensya? Tinaratando mo naman kami hayop ka, ulol, gago! Gusto mo papaniwalain kami sa kasinungalingan ninyo? Asan ang susugpuin ang droga sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan? Tone-tonelada pa nga pinalusot sa Customs ng mga bata ninyo. Nakulong ba? Korap, nawala ba o mas matindi ngayon? Lokohin mo sarili mo! Kayo ang virus. – Juan po