Advertisers
INARESTO Linggo ng madaling araw sa Sta. Catalina, Negros Oriental ang mag-asawang wanted sa kasong estafa at syndicated estafa.
Kinilala ang mga naaresto na sina Elmer at Mary Rhonaline Tinambacan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ariel Huesca, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group – Negros Oriental, kilalang mga online scammer ang mag-asawa. Isang complainant ang nagsumbong sa kanila matapos siyang ma-scam ng P6 milyon ng mag-asawa at P18 milyon naman sa kaniyang kasama.
May dalawang kaso ng syndicated estafa ang mag-asawa sa Iloilo City at may dagdag na kasong estafa naman ang mister sa Nueva Vizcaya.
Dagdag pa ni Huesca, posibleng marami pang nabiktima ang mag-asawang Tinambacan na ang modus ay ang lokohin ang mga biktima nila online.
Maliban sa warrant of arrest sa mag-asawa, inaresto rin ang ama ni Elmer matapos makuha sa kaniya ang isang caliber .40 Glock na may isang long magazine at 2 short na may 54 bala.
Isinuko rin ni Elmer sa awtoridad ang kaniyang caliber .45 pistol, isang magazine nito at 24 bala, pati na ang kaniyang home-made shotgun na may 2 magazines at 10 bala.(PTF team)