Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi na muna tatanggap pansamantala ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ng mga non-COVID OB patients dahil ang occupancy rate ay naabot na ng pagamutan.
Hindi pa sinabi ni Moreno kung kailan tatanggap muli ng non-COVID OB patient kung saan paluluwagin muna ang ospital upang mapigil ang pagkakahawa-hawa at maproteksiyunan ang kanilang mga staff.
“We closed our acceptance para sa mga manganganak, because we have already breached our load capacity (sa JJASGH),” ayon kay Moreno.
“We have expecting mothers na para ipa-cesarean, ipapaoperahan. Para ‘di mabulunan ang ating mga doktor, we have augmented sa adjacent hospitals, such as Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center,” dagdag ni Moreno.
Sa advisory ng JJASGH na ang kanilang occupancy rate ay umabot na sa 233 porsiyento.
Nangangahulugan umano na mahigit na doble na sa kapasidad ang ginagamot na pasyente sa ospital.
Nalaman na may 6 na pasyente na isi-cesarean pero isa lamang ang operating room at ang ibang operating room ay para sa COVID-19 patients. May 32 pasyente rin ang nasa recovery room na 8 lamang ang kapasidad. (Andi Garcia)