Advertisers
BUKOD sa maganda at matalino, papasang beauty queen ang magaling na aktres na si Iza Calzado kung ito ang larangang pinili niya noon.
Katunayan, isa siya sa mga itinuturing na pinaka-intelihenteng aktres ng kanyang henerasyon.
Isa ring inspirasyon ang aktres sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Napakabigat din kasi ng pagsubok na kanyang sinuong nang magpositibo siya sa Covid-19 na naglagay sa peligro sa kanyang buhay.
Sa kanyang pinagdaanan, thankful si Iza sa kanyang pangalawang buhay.
Bilang maituturing na queen in her own fight, ayaw naman niyang isuko ang kanyang korona sa novel coronavirus.
Bagama’t nandoon na ang pag-iingat sa kanyang kalusugan, tuloy ang laban para kay Iza.
“‘Despite the challenges, tuloy ang laban,” aniya. “Sa totoo lang napaka-grateful ko. The fact na nandito pa ako ngayon is something I am grateful for. Personally, medyo mahirap-hirap din yung pinagdaanan ko earlier this year na para bang pag-iniisip talaga naming lahat, parang nung pinag-usapan naming lahat sa town hall meeting namin sa show within the cast na parang we have been chosen by God to do this, parang ganun eh. Ganun yung pakiramdam. “Parang kami yung una ngayon sa ganitong bagong platform natin so I’m beyond grateful. Parang we went through so many challenges kaya siguro talagang ramdam na ramdam namin yung magandang feedback. “And we are very excited na lahat ng pinaghirapan namin ay mapapanuod niyo na. So siguro yun yung pakiramdam ko ngayon. Despite the challenges, tuloy ang laban,” paliwanag niya.
Dahil nasimulan na ang teleseryeng “Ang Sayo ay Akin” bago lumaganap ang Covid-19, aminado rin siyang nag-alala siya sa pagbabalik niya sa taping.
“Bilang COVID survivor, hindi ko sinasabi na I’m walking around fearlessly. Siyempre meron ako at that time when we went into the lock in, I knew I still had antibodies. So kung ako, parang inisip ko tapos [na] ako diyan pero hindi ako nagpakasiguro dahil hindi natin alam hanggang kailan ang antibodies. Like marami pa tayong hindi alam sa sakit na ito ‘di ba?
“Of course there was some fear, there were concerns na magiging safe ba tayo? But ABS-CBN prepared very strict guidelines that we kept on trying to meet. Production was making sure na nasusunod. In-allow ng Diyos, so kasama sa pag-allow niya na kami ay ma-green light at umarangkada, ay yung protection at safety. Araw-araw na lang tuloy ang aming dasal at pag-iingat. And we remind ourselves on set of all the measures that we have to take so that we would keep ourselves and each other safe and well,” aniya.
Happy din si Iza na makatrabaho sina Jodi Sta.Maria, Maricel Soriano at Sam Milby sa teleseryeng “Ang Sa’yo ay Akin” na mapapanood na sa Kapamilya Online Live simula sa Agosto 17. (Archie Liao)