Advertisers
MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease ang Department of Health.
Sa case update bulletin nitong Lunes, nasa 6,958 ang nadagdag sa kaso dahilan para umabot na sa 136,638 ang COVID-19 case sa bansa kung saan nasa 5,394 ang fresh cases habang 1,564 naman ang late cases.
Nasa 66,186 naman ang aktibong mga kaso.
Ang nasabing karagdagang bilang ay mga resulta na isinumite ng 74 mula sa 99 operational labs sa bansa.
Nasa 91.9% naman ang mga mild cases kung saan ang NCR pa rin ang nakapagtala ng maraming kaso na nasa 4,163; Laguna, 400; Rizal, 363; Cavite,312; at Bulacan na may 178 kaso.
Nakapagtala rin ng 254 kaso mula sa Returning Overseas Filipino o ROF.
Sa bagong iniulat na mga kaso, 5,789 o 83 % ang nangyari noong July 28 hanggang August 10.
Sa case clustering report, mayroong 380 clusters sa NCR; 305 (80%) ay sa komunidad at 34 (9%) sa health facilities.
Ang CALABARZON ay may 174 case clusters at Region 7 na may 171 case clusters, kung saan karamihan din ay sa komunidad.
Umakyat na rin sa 68,159 ang recoveries dahil sa panibagong 633 na gumaling sa sakit.
Habang mayroon namang bagong 24 na pumanaw sanhi upang umakyat na sa 2,293 ang COVID-19 related deaths.
Sa nasabing bilang ng mga pumanaw, 6 (25%) ay nangyari noong August; 11 (46%) noong July; 7 (29%) noong April; 1 noong May; 4 noong June.
Ang anim na nasawi noong August ay mula sa Region 6 (3), NCR (1), region 1 (1), at CALABARZON (1).
Ayon sa DOH, ang 50 na cumulative deaths na nangyari noong August, 22 o 445 ay mula sa NCR.
Nasa 233 duplicates naman ang inalis sa total case counts. Sa nasabing bilang 143 ang recovered at 1 deaths ang inalis.
Na-update rin ang 6 na kaso na inireport na recovered ngunit sa final validation ay napag-alamang 4 ang pumanaw at 2 ang active cases. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)