Advertisers
NASA 47 Pinoy na ang nakitang sugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon noong nakaraang Martes, ayon sa panibagong ulat na ipinadala ng Philippine Embassy sa Beirut sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nabatid na nadagdagan ng lima ang mga Pinoy na nasugatan kung kaya’t umabot na ito sa 47.
“We are still thankful that the injuries sustained by our kababayans are not life-threatening. We also thank our Embassy personnel for taking prompt action,” sabi ni Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.
Samantala, inihahanda na ng DFA ang mga kakailanganin para sa pag-uwi ng labi ng apat na Pinoy na nasawi sa pagsabog. (Lordeth B. Bonilla)