Advertisers
Lapu-Lapu City – Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang Chinese national matapos maaresto ng National Bureau of Investigation – 7 dahil sa pagbebenta ng mga gamot na walang pahintulot mula sa Foods and Drugs Administration (FDA).
Nahuli sa akto si Ke Liangpeng na tumatanggap ng buy-bust money kapalit ng iniresetang antibiotic sa poseur buyer sa operasyon sa Teakwood, Subdivision, Barangay Soong, Lapu-lapu City.
Nasamsam ng mga otoridad ang ilang kahon ng unregistered at mislabelled na mga gamot na may mga markang Chinese characters. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P10,000,000.
Humantong din ang operasyon sa pagkatuklas ng hospital beds na ginagamit ng mga pasyenteng maysakit na nagpapagamot dito na karamihan Chinese.
Nahaharap si Ke sa kasong paglabag sa Food, Drugs and Cosmetics Act sa ilalim ng R.A. 3720 at Philippine Pharmacy Act sa ilalim ng R.A. 5921. Sasampahan rin ito ng paglabag sa Medical Act sa ilalim ng R.A. 2382.(PTF team)