Advertisers
Umapela si Committee on Transportation Vice chair at Iloilo City Representative Julienne Baronda sa Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang pagmomonitor sa presyo ng mga ibinebentang face shield sa bansa.
Ang kahilingang ito ni Baronda ay bunsod na rin sa naunang ipinalabas na direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Department of Transportation (DOTr) na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan simula Agosto 15.
Umapela umano si Baronda para tiyakin ng DTI na hindi samantalahin ng mga negosyante ang pagtaas umano ng demand sa face shield sa merkado at maiwasan ang overpricing.
Matatandaan na ilang araw mula nang ipalabas ang naturang direktiba ay marami na ang umangal sa biglang pagsirit ng presyo ng face shield. (Josephine Patricio)