Advertisers

Advertisers

Pagtaas ng bilang ng may COVID-19 ay dahil sa lab test, salamat sa tulong ng Red Cross

0 303

Advertisers

Nakakagulat naman talaga ang patuloy na pagdami ng mga Filipinong nagkakaroon ng COVID-19 na pumapalo na sa mahigit na isang daang libong kaso at sa ulat ng Department of Health (DoH) ay nasa higit tatlong libong katao na ang naitatala na bilang ng mga kaso kada araw.

Ngunit hindi natin ito dapat ikabahala, dahil ang paglundag ng mga bilang ay dahil sa kapasidad din ng ating bansa na makuha ang mga taong mayroong virus sa pamamagitan ng lab o laboratory testing, di gaya ng ibang mas nakakaangat na bansa nating mga kapitbahay.

Sa ngayon, ayon sa DoH mayroon na tayong 99 na lisensiyadong mga laboratoryo na nakapagtala na ng lagpas isang milyo’t kalahati (1,500,000) na Filipinong nai-test kung mayroon silang virus. Na-ngangahulugan ito ng average na dalawampu’t walong libong (28,000) katao ang naite-test ng mga laboratoryong ito sa isang araw.



Ang mga test na ito ang nakakapagturo o nakakapagsabi sa ating mga health experts at workers kung sino ang mga dapat gamutin upang mapigilan na ang pagkalat ng nakamamatay na virus na COVID-19.

Isa sa malaking tulong dito ang mga laboratoryong nai-set-up ng ating Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan ng ating butihing Senador Richad Gordon. Lumawak at nadagdagan ang paglalagay ng mga laboratoryo ng DoH na ang iba ay pinatatakbo ng PRC, na ayon kay Sen. Gordon ay kayang makapag-test ng 14,000 katao kada araw.

At hindi lamang iniyabang ng senador ang bilang ng kayang i-test ng kanilang mga laboratoryo, kundi ang mga mismong makina nilang gamit sa pagte-test na may kapasidad din makapag-determina ng iba pang sakit ng taong ite-test, gaya ng TB o tubercolosis, hepatitis at leukemia o kaya ng maging Zika virus na nagmumula sa lamok.

Mas mababa o mura rin ang singil ng PRC na P3,500., kada ‘swab testing’ kumpara sa ibang laboratoryo na pagkatagal-tagal pa ang resulta. Ayon kay Sen. Gordon, ang resulta ng kanilang swab test ay makukuha lang sa loob ng 24 hanggang 72 oras.

Pagmamalaki pa ng PRC na sa kanilang laboratoryo lamang na naka-base sa Port Area, Manila, 6,000 sample ng swab test sa loob ng isang araw ang pinakamarami nilang naitala. At ang kanilang target ay 1.7 milyong residente ng kamaynilaan o National Capital Region (NCR) ang mai-test dahil sa kapasidad ng kanilang mga makina. 13 percent ito ng populasyon ng NCR na 12.9 milyong katao.



Paliwanag pa ng senador na kabise ng PRC, may rekomendasyon ang World Health Organization (WHO) na kailangan 13 porsiyento ng populasyon ng bansa ang kailangan mai-test. Kaya kailangan nating mai-test ang 14 milyong Filipino sa loob ng lahat na 110 milyong mamamayan.

Kaya mapapansin niyo na dumadami na ang nade-detect ng mga hi-tech na swab test na ito at lumolobo ang bilang ng mga may COVID-19, na agaran namang nilulunasan o ginagamot ng ating pamahalaan. Kaya wala na rin kayong dapat ikagulat dahil nandiyan naman na ang tulong ng PRC.