Advertisers

Advertisers

Negosyante patay sa pamamaril

0 418

Advertisers

PATAY ang isang negosyante nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Mankilam, Tagum City, Sabado ng tanghali.
Kinilala ang biktima na si Jaime Magnanao, 49.
Sa report, katatapos lang ng blessing at opening ng bagong negosyong motorshop ni Magnanao nang tumigil ang isang van sa harap ng establisimyento at pinagbabaril ng isa sa mga sakay nito ang negosyante
Nakapagpaputok pa ng baril ang mga bodyguard ng biktima pero mabilis na nakatakas ang van.
Ayon kay Lt. Col. Jed Clamor, hepe ng Tagum police, away sa negosyo o personal na galit ang ilan sa mga tinitingnang motibo sa krimen.
Bumuo na ng tracker team ang pulisya para matukoy ang mga salarin.(PTF team)