Advertisers

Advertisers

LIM, II-IMMORTALIZE NI ISKO

0 560

Advertisers

PAPANATILIHING buhay ni Manila Mayor Isko Moreno ang maalamat at dating mayor at senador na Alfredo S. Lim, dahil sa tapat at kawalang katiwaliang pamamalakad nito na siyang dapat na maging pamantayan o modelo sa public service at dapat na pamarisan ng batang henerasyon sa ngayon.

Inutos din ni Moreno ang pagpatay ng ilaw sa iconic clock tower ng Manila City Hall bilang pagpupugay sa pagkamatay ng dating alkalde na nanilbihan sa loob ng 12 taon.

Sa kanyang live broadcast, sinabi ni Moreno isang maliit na kaparaanan ng pamahalaang lungsod ang parangalan si Lim na kanya ring hinangaan sa paggugol ng 50 taon mula 58 taon sa serbisyo publiko sa mamamayan ng Maynila.



“Kaming mga kasamahan niyang naglilingkod sa bayan ay nakikiramay… hindi namin alam kung anong mga salita ang maihahambing bukod sa magaling at matinong pamamalakad niya bilang alkalde…Para sa mga kabataan, nais kong ipaalala na sa loob ng mahabang panahon ng buhay ni Mayor Lim, inialay niya halos lahat ito sa paglilingkod sa bayan,” pahayag ni Moreno.

Nilahad din ni Moreno na si Lim ay nagsilbi bilang pulis ng Maynila sa loob ng 38 years. Mula sa pagiging patrolman ay naging hepe ito ng dating Western Police District at 12 taon bilang mayor ng Manila. Naging NBI Director, DILG Secretary at Senador din ito.

“Di makakalimutan ang paglilingkod niya sa lungsod. Hanggang ngayon ay patuloy na pinakikinabangan ng mga taga-Maynila ang mga programa at proyekto ng mahal nating mayor. Ilan diyan ang patuloy na nakikita ninyong mga ospital,” sabi ni Moreno.

Si Lim ang nagtayo ng lima sa anim na district hospital sa lungsod na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mahihirap na taga-lungsod kung saan ay pinagpapatuloy ni Moreno at tiniyak na bibigyan prayoridad ang mga mahihirap sa libreng serbisyo medikal.

“Isa sa pinakamalaki na di makakalimutang programa ng ating dating mayor ay ang UDM (Universidad de Manila) na nagbibigay ng libreng ‘tertiary education’ na hanggang ngayon ay nagagamit ng mahihirap nating kababayan na nais magkamit ng edukasyon,” ayon kay Moreno na nagsabi rin na ibinalik ni Lim ang peace and order sa Manila at hindi na ito naging pugad ng mga masasamang elemento.



“Nakilala siya sa pagpapatino sa ating siyudad upang di bahayan ng mga kriminal ang ating lungsod. Naging epektibo ang kanyang pagpapatakbo para magbigay ng kapanatagan sa mga kababayan o sinumang dadapo sa lungsod… malinis at walang bahid ng korapsyon, bagay na kayong mga kabataan na nanonood, siya ang tularan… na maari tayong maglingkod sa bayan nang tapat at maayos,” sabi pa ni Moreno.

“Fifty years of his 58 years in public service, he dedicated to serve the people of Manila. ‘Yan, mga batang Maynila, ay ‘wag na wag po nating kakalimutan,” dagdag ni Moreno.

Sa kanyang live broadcast, inalala ni Moreno ang mga panahon na kasama niya si Mayor Lim, kung saan sinabi nito na “ang katotohanan po niyan, nung ako ay manalong mayor, siya po ay aking pinuntahan agad para humingi ng payo kung paano ang magandang gawin laban sa kriminalidad at kung paano patitinuin ang mga bahagi ng gobyerno sa ating pamahalaang-lungsod.”

Ginunita rin ni Moreno na noong nakaraang kaarawan ni Lim noong Disyembre nang nakaraang taon ay magkasama silang nananghalian kasama si Vice Mayor Honey Lacuna at ilan pang malapit na kaibigan at pinag-usapan ang maraming bagay. (Andi Garcia)