Advertisers
Isasailalim sa limang araw na disinfection ang tatlong palapag ng gusali sa Kapitolyo ng Bulacan.
Matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong kawani, ng pamahalaang Panlalawigan.
Sisimulan ang disinfection Agosto 10 hanggang 14.
Umapila naman si Gobernor Daniel Fernando, sa publiko ng pang-unawa sa pansamantalang pagsasara ng panlalawigang tanggapan.
Samantala, nagsasagawa na rin ng contact traicing, habang isasailalim rin sa swab testing ang lahat ng empleyado sa main building at layon nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat kawani. (Thony D. Arcenal)