Advertisers
SINALAKAY ng mga otoridad ang isang drug den sa Dauis, Bohol, Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Totolan 7:00 ng gabi.
Naaresto sa operasyon ang target na drug den maintainer na si Mark James Pocoy alyas “Jimboy” o “Pocoy,” 27-anyos.
Nahuli rin sina Princess Andal, 31, live-in partner ni Pocoy; Roel Ayala, 48; Wilbert Naparan, 42; Archie Lomonsod, 39; at Elmer Cuambot, 47.
Nakumpiska sa operasyon ang tatlong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P44,200, isang digital weighing scale, ilang drug paraphernalia at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.(PTF team)