Advertisers
PUMALO na sa 129,913 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,109 na mga bagong kaso ng virus infection nitong Linggo.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,700 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 169 new cases, Cebu na may 114 new cases, Rizal na may 98 new cases at Cavite na may 92 new cases.
May 654 namang naiulat na bagong gumaling sa covid-19.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 67,673 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 61 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 61 na nasawi, 17 ay namatay ngayong Agosto, 34 noong Hulyo, 6 noong Hunyo, at 4 noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,270 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 81 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang iniulat matapos matukoy sa ginawang validation na duplikasyon lamang ito. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)