Advertisers
IF ever nga na magdesisyon ang magkaibigan na Coco Martin at Vice Ganda na magtuluy-tuloy ang kani-kanilang karera eh iisa lang ang posibleng gawin ng dalawang tinaguriang money maker ng ABS-CBN.
Ang pag-ober da bakod ang naisip ng netizens para patuloy pa rin silang mapanood ng kanilang mga follower.
Puwede na nga raw sila lumipat dahil na rin sa pagsasara ng kanilang home network na hindi nabigyan ng panibagong prangkisa para umere.
Inaasahan naman ng netizens na hindi nga raw posible ang paglipat nina Coco at Vice sa Singko.
Malamang na hindi sila tanggihan ng Kapatid network sakaling lumipat ang dalawa.
May iaakyat pa rin umano silang kaban ng yaman sa himpilan ng TV5 dahil na rin sa pagiging money maker nina Coco at Vice.
Asa naman ang kani-kanilang followers na masilayan na ang kanilang idolo kahit pa sa TV5 sila napapanood.
Knows pa rin na parehong bentang-benta ang dalawa sa madlang pipol.
***
MIKEE NAGLUKSA NANG TODO SA PAGKAMATAY NG KAIBIGAN DAHIL SA COVID
ANG single ni Mikee Quintos na “Ngayon” eh awitin na punung-puno ng inspirasyon at pag-asa na akma sa panahon ngayon ng pandemya.
Kahit nga ang malapit na kaibigan sa kanilang pamilya eh di din nakaligtas sa killer virus na Covid.
Labis na kalungkutan ang nadama ng pamilya nina Mikee sa pagkamatay ng friend niya.
Wala na itong burol na dating nakagisnan na tradisyon ng mga Pinoy.
Kaya hindi maialis sa kanilang pamilya ang pighati sa pagyao ng matalik na kaibigan ni Mikee.
Well, well, well…’Yun na! (Jovie Lloza)