Advertisers

Advertisers

Betong sinubukang maging barbero

0 352

Advertisers

DAHIL balik-MECQ ang Metro Manila at ilan pang lugar, sarado ulit ang non-essential establishments.

Kaya naman ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya, nag-do-it-yourself o ‘DIY’ na ng paggupit!

Ipinakita niya sa vlog kung paano niya sinubukang maging barbero para lang maayos ang humahaba niyang buhok, “Alam ninyo ba guys, ito na yata ‘yung pinakamatagal na hindi ako nagpagupit. Almost five months.”



Inalala rin ni Betong ang naging experience sa Survivor Philippines na itinanghal siya bilang winner dahil 36 days din daw silang walang gupit at ahit.

Panoorin ang nakatutuwang vlog ng Bubble Gang at All-Out Sundays star sa kanyang YouTube channel na ‘Betong’s Amazing World.’

***

AHA! AT BORN TO BE WILD, MAY BACK-TO-BACK NEW EPISODES

Tiyak na maraming matututunan ang viewers ngayong Linggo (Aug. 9) sa back-to-back new episodes ng AHA! at Born to be Wild.



Balita namin, ipi-flex ni Drew Arellano ang bagong fully animated AHA! virtual learning studio na makakasama niya ang kanyang bagong techie BFF na si A! Robot. Guests din ni Drew sa episode this Sunday sina Sanya Lopez at Jelai Andres.

Tuloy rin sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato sa pag-rescue sa mga hayop na na-apektuhan ng community quarantine sa Born to be Wild. Si Doc Ferds, titignan ang kalusugan ng mga stray dog na mas dumami raw ngayon.

Si Doc Nielsen naman, oobserbahan kung paano humanap at kumuha ng pagkain ang ilang animal sa wild lalo na’t patuloy na nagbabago ang tirahan ng mga ito dahil na rin sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Ngayon na back-to-school na ang mga estudyante, mainam na patuloy ang Kapuso Network sa pagpapalabas ng mga programang makatutulong sa pag-aaral ng mga kabataan. Mapapanuod ang AHA! 8:15 am at kasunod naman nito ang Born to be Wild sa GMA 7.

***

ALL-OUT SUNDAYS STAR-STUDDED ANG EPISODE NGAYONG LINGGO

Asahan ang engrandeng worldwide celebration ngayong weekend dahil makikisaya ang ilan sa bigating Kapuso stars para ipagdiwang ang 15th anniversary ng GMA Pinoy TV sa paboritong Sunday tambayan na All-Out Sundays: The Stay Home Party!

Kahit hindi pa pinapayagan ang international travels bunsod ng lockdown, dadalhin kayo ng AyOS barkada sa iba’t ibang panig ng mundo. Tiyak na matutuwa ang Kapuso abroad dahil makikisaya sa Stay Home Party sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, at Aiai delas Alas.

Hindi rin dapat palampasin ang mga ipamimigay na papremyo na pangungunahan ni Alden Richards bilang pasasalamat sa kanilang masugid na tagasubaybay.

May world-class performances din mula kina Arnel Pineda, Aicelle Santos at Lani Misalucha.

Ilan pa sa Kapuso stars na mapapanood ngayong Linggo sina Julie Anne San Jose, Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, Boobay, Rayver Cruz, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Jak Roberto, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Vince Crisostomo, Golden Canedo, Thea Astley, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, at special guest na si Kisses Delavin.

Abangan ang star-studded worldwide celebration ng GMA Pinoy TV ngayong Linggo (August 9) sa ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party,’ 12:45PM, sa GMA-7 at GMA Network official social media accounts. (Rommel Gonzales)