Advertisers

Advertisers

Antetokounmpo, James, Harden nangunguna sa NBA MVP race

0 286

Advertisers

NAPASAMA si reigning NBA Most Valuable Player Giannis Antetokoumpo kina Los Angeles ­Lakers star LeBron James at 2018 James Harden na finalist para sa award ngayon season sa Sabado.
Antetokoumpo, na tinulungan ang Milwaukee Bucks na maangkin ang top seeding sa Eastern Conference, ay heavy favourite na masungkit ang ikalawang su­nod na MVP award na pinangungunahan ni four-time winner ­LeBron James.
Kandidato rin ang 25-anyos Greek sa NBA defensive player category katabi ni Lakers Anthony Davis at Utah Jazz Rudy Gobert.
Ang Bucks coach na si Mike Budenhul­zer ay isa sa tatlong nominees para sa coach of the year, kabilang si Oklahoma City’s Billy Donovan at Toronto’s Nick Nurse.
Kamakailan ay pinaghatian nina Budenholzer at Donovan ang National Basketball Association coach of the year award.
Ang New Orleans Pelicans’ Zion Williams ay kandidato para sa rookie of the year honours kasama sina Miami Heat Kendrick Nunn at Ja Morant ng Memphis Grizzlies.
Sa ibang categories, Dallas Mavericks Luka Doncic ang nangunguna sa most improved player category kasama sina Pelicans Brandon Ingram, Miami’s Bam Adebayo.
Ang botohan sa ­lahat ng award ay batay sa regular season games na nilaro ­hang-gang Marso 11, ng ihinto ng coronavirus pandemic ang liga ng apat na buwan, at hindi kabilang ang ­restart ng liga sa loob ng bubble sa ­Orlando.